Masarap ang buhay estudyante. alam kong alam mo yan! Regular na baon, kickbacks sa libro, enrollment, p.e uniform, i.d, projects *kuno*, field trips at hand outs. ang buhay at saya sa loob ng klassrum na sa opinion ko ay ang highlight ng pagiging estudyante at hindi rin kayang bilhin ng kickback na nasa bulsa mo ngaun. Iba rin naman ang saya sa labas ng klase mga biglaang gimik, inuman, yosi breaks, tambay, bilyar, paglalaro ng pc games, at out of town trips kung saan lumalabas ang tunay na anyo ng ating mga ka-klase na madalang mo lang makita sa loob ng paaralan. Mga prof. Na nauubos ang oras sa subject nila sa pagkwekwento tunkol sa = aswang, mumu, enkanto, whitelady, mga dating estudyante, mabahong parte ng katawan ng isang co-faculty, history ng school, probinsiya niya, alagang manok at bibe etc. - nagagawa nila lahat ng iyan kahit na hindi naman HISstory ang subject na itinuturo nila. dagdag mo pa diyan ang thrill ng pangongopya at pangongodigo, pag-sakit ng ulo dahil sa pagcracraming. lahat ng yan alam kong naranasan mo, lalo na ung number two.
Sa tinagal-tagal ko nang nagaaral *pero di ibig sabihin niyan na repeater ako!* nagawa ko na siguro halos lahat ng kalokohang ginagawa sa ekwelahan wag ka nang mag malinis parehas lang tau, ika nga sa kasabihan “in highschool nothing is sacred”. eto ang ilan sa criminal records ko at guilty ang plea ko: pag-iingay sa loob ng klase, pakikipag-away sa kaklase, pagvavandal sa upuan, makipag-batuhan sa kabilang section *di naman ako yung promotor nito nakisali lang ako kasi masaya *natuto tuloy lumipad ang mga bagay na walang pak-pak tulad ng iced tubig, mga makakapal na libro, walis, bunot, basahan at ang dalawang sekret weapon namin: ang black board eraser na punong-puno ng chalk dust at ang malaking takip ng green na basurahan nag mistulang israel at lebanon ang klasrum namin. Madumi, makalat at magulo….pero ok lang masaya ang lahat at walang pikunan.
Nadyan naring nangyari na mapikon sa akin yung titser ko sa PEHM nung 1st yr. Highschool nang asarin ko siya dahil pabisaya niyang nasabing: “oki klas maglaru tau ng sipak-takraw!”…eh sepak takraw ang tamang pagbigkas…muntik na niya akong sapakin….at medyo natakot din ako…pero dahil sa christian school ang napasukan ko, inawat naman siya ni lord!….nandyan ding makapag paiyak ako *with the help of my allies* ng titser sa PEHM uli not once but twice! Una si ma’am aplacador at sumunod yung baklang humalili sa kanya ng magresign siya third year naman ako nito….ewan ko ba kung bakit badshot ako sa mga PEHM titsers, siguro dahil sa hindi ako physically fit para sa subject nila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
eto ang ilan sa criminal records ko at guilty ang plea ko: pag-iingay sa loob ng klase
Playgroup Singapore
Post a Comment