Minsan habang ka-text ko ang isang dating ka-klase/friend, di inaasahang lumabas ang konbersasyong ganito:
ako: alm m 1st mpresion q sau suplada k…*may smiley dito*
siya: bkt nmn?
ako: ksi pnsin q lgi lng u thimik s sng tabi, tpos d kpa msyado nkkihalubilo…*may smiley ulet*
siya: ah un lang ba?, i chus my friends kasi eh….*nag-smiley din siya*
ITUTULOY…..
"i chus my friends kasi eh" - such selfish claim, matagal natong burado sa inbox ko, pero ito’y nakasave pa rin sa memory card ng utak ko. (sayo best na nakatext ko ukol sa issue nato, thanks for the enlightenment ikaw ang naging inspirasyon ko sa lecture ko ngaun. salamat ulet dahil kung di dahil sa iyo hindi ko masusulat ang blog na ito, peace tau ha!…luv you….)
hindi bat ganito ang pilosopiyang pinapairal natin? pamimili ng kaibigan, gamitan, plastikan etc.
sa paglipas ng panahon, ang pakikihalubilo sa ibang tao ay lalong napapadali dahil sa pagusbong ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya, nandyan ang text, internet, pager para sa mga doktor, at snail mail para sa mga preso. habang dumadali ang proseso ng pakikihalubilo sa iba lalong nagiging mas kaswal ang mga tao pagdating sa pakikipag kaibigan. at minsan sa sobrang pagiging kaswal nito ay tanguan nalang at kindatan ang nangyayari pagnagkikita ang dalawang magkakilala, naisip ko tuloy dahil ba sa dali ng pakikihalubilo natin sa iba ay nababalewala na natin ang ibang tao sa paligid natin? isipin mo din.
Ikaw mambabasa ano ba ang tunay na kaibigan para sa iyo? kaibigan ba pag laging nandyan siya para saiyo? o kaya naman eh laging kadamay mo pag-nagaaway kayo ng magulang mo?, kaibigan ba siya kung lagi ka nyang pinapakopya o di kayay pinapautang ng pera? o lagi kang tinitext ng mga papuri at pambobola? - hindi lahat ng mukang mabait sa aten ay ating kaibigan at hindi rin lahat ng mukang masungit o hindi malapit sa atin ay kaaway, may dahilan ang lahat ng pangyayari at iba-ibat ang pinagdadaan ng tao, sa tulong ng malawak na pangunawa, malay mo ang kaaway na itinuturing mo ay siya palang mapapagkatiwalaan mo ng buhay mo.
ngayon ay panahon na ng "globalisasyon" kung saan binubksan ng ibat-ibang bansa ang kanilang mga territoryo upang makipag-kalakalan, paunlarin ang turismo, at higit sa lahat ipakilala ang sarili sa mundo. parang ganyan din ang pilosopiya ng pakikipag kaibigan binubuksan natin ang ating sarili para sa iba. isang pansamantalang pagaalis sa sariling "comfort zone" para ma-experience ang "comfort zone" ng iba. Sa ganitong paraan lumalago tayo bilang tao at natututo sa mga bagay sa mundo, minsan nadadapa pero may determinasyong bumangon uli, sa tulong iba, sa tulong ng kaibigan.
minsan kasi, aminin man natin o hindi nagiging madamot tayo. tulad nga ng sinabi ko sa isa kong blog “ang anong meron sa ngiti?” (requisite itong basahin) "lahat tayo ay magagandang tao, madalas lang natin tinitake for granted ito". pag namili tayo ng kaibigan parang nagdadamot narin tayo, pinagdadamot natin sa iba ang kagandahan ng ating pagkatao. pinipili ang pagbibigyan, iilan lang ang maswerte at marami ang minamalas na hindi maabutan. hindi kaya mas okey pag lahat ng tao kaibigan mo? bawasan ang kadamutan at makipagkapwa tao.
wag ipagkait ang kagandahan ng iyong pagkatao, ipamahagi ito sa buong mundo, mas masaya siguro pag magkakaibigan tayo.
CONTINUATION:
ako: bakit ganun? u chus ur frends?
siya: kc fling q ma-oop lang aq sknila eh…
ako: alm mo akla mo lng un…
ako: syang knwng pnmn u, mgnda k inside and out…syang lang kng di iyon malalaman ng iba….*wala nang smiley, pero tiyak ko siya ay naka-smile*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I have saw this happen to many times.. but life goes on and as long as you make a change things will get better
siya: kc fling q ma-oop lang aq sknila eh…
Playgroup Singapore
Post a Comment