Matagal ko nang gusto ulet sumulat ng blog pero ngayon lang ulet ako nagbigyan ng pagkakataon. maraming idea ang pumapasok sa isipan ko palibhasa 11:10 na ng gabi - tahimik, tulog na ang lahat ng tao samahan pa ng ambiance ng cding pangkikay na incredible hulk ang pabalat…pero hindi busog lang siguro ako kaya ako sinipag magkwento.
Ano bang meron sa ngiti? sumagi naba ito sa isipan mo? minsan ko na tong natanong sa sarili habang brina-browse ko ang friends list ng friendster account ko.
Bukod sa maiitim na gilagid at madidilaw na ngipin, ano nga ba ang meron sa ngiti…*track 4 na tamang-tama ang background music "yellow" ng coldplay lalo tuloy akong ginanahan magsulat* ano nga ba meron? napaisip ako habang kinakalkal ko ang mga profile ng mga dating kakilala at mga bagong kaibigan…marami akong nakita…mga bagay…mga pagbabago…at ang kagandahan nilang na madalas natetake for granted ko.
Sino-sino ba tong mga tinutukoy ko? leading the pack are my classmates from various schools, mga kaibigan ko at dating kalaro, acquaintances, mga pinsan, at mga prof *ung huli pala nilagay ko lang para sumipsip*
Wala namang masyadong ispesyal sa pagsulat ko ng blog na ito. gusto ko lang maisulat kung gaano kayong lahat kagagandang tao sa panloob *heart, pancreas, liver, small intestine* at panlabas na aspeto, pero seriously lahat ng tao magaganda’t gwapo madalas lang nating tinitake for granted ito, maaaring hindi mo ito nakikita pero ako kitang-kita ko.
Una sa listahan tong dating kaklase ko nasakanya na lahat kagandahan, katalinuhan at busilak na kalooban, kaso malas sa love life at laging naloloko, kung nakikita lang sana ng bf mo ang kagandahan mo ang laki ng swerte niya parang tumama sa lotto. Meron din akong kaklase ngayon sa USTe suplada siya ung tipong tumitira ng laser ang mata at bumubuga ng apoy mabanggit mo lang pangalan niya, kaya siguro marami ang naiilang lumapit sa kanya pero kung titingnan mong mabuti maganda siya at facade lang pala niya ang pagiging dragona pero ang totoo mahiyain lang talaga siya. Eto pa isa di naman siya ganon kaganda, sa totoo lang pag hinalo mo siya sa crowd of three di mo na siya mapupuna. pero pag ngumiti na siya at lumabas na ang dalawang balon sa mukha niya naku po! talo-talo na. Meron ulet akong kaklase lagi siyang pinagtritripan, pinagtatawanan, nilalait. di naman siya panget in fact maganda siya at hindi lang nila nakikita, medyo chubby nga lang siya, honestly naawa ako sa kanya malapit ang loob ko sa kanya in fact she’s like a BIG sister to me *also in body mass* likas na passive lang talaga siya at mahaba ang pasensiya. gusto mo clue?…hanapin mo nalang sa friends list ko!
minsan kasi nauuna nating makita ang mali bago ang tama, ang dumi bago ang malinis, ang panget bago ang maganda sa isang tao. hinuhusgahan kaagad natin base sa panlabas na anyo, ang optimistic ng tunog ko noh? side effect lang siguro yan ng movies na kakapanood ko lang (saw 1-2 at american beauty)
"di ko rin kayo masisisi, dahil dati ganyan din ako… at paminsan-minsan ganun parin….kelagan ko pang mabulag ng madidilaw na ngiti bago makita ang kagandang nakakumbli"
you cannot really underestimate a smile because it can change your image mula sa higanteng lobster na ginugulpe ni ultraman at natutumba sa kable ng napocor to a geisha just like Zhang Ziyi kaya payong kaibigan lang always SMILE, gaganda na image mo makakapagbago ka pa ng perspective ng isang tao tulad ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
paminsan-minsan ganun parin
Playgroup Singapore
Post a Comment