Ang utak ko’y naguguluhan sa tunay na sukatan ng talino, ano ba talaga ang basehan? Basta utak ang usapan tatlong kategorya lang yan: Matalino, May alam, at Mang-mang. Sa panung paraan ba nalalaman ang bagay na wala naman talagang malinaw na sukatan. Sa eskwelahan eto ang mga paraan upang talino ng bata ay masukat daw at malaman, sa examin ; sa recitation ; proyekto ; at regalo sa guro. yan ang mga panukat na gamit ng paaralan sa panahong matagal na. Mga mabababaw na bagay na di naman pwedeng gawing basehan, di dapat ganyan ang panukat na gamit ng mahal kong paaralan. Dahil personalidad na ng tao ang nababangit dito di masusukat basta-basta ng papel na diploma o kahit na ng medalyang ginto. Sa ganyang usapan ay naku! po! delikado, ang usapang talino pala ay napaka sensitibo, pwede nitong masira o mabuo kinabukasan ng bata at kagustuhang matuto. Imbis na makatulong lalong lumubha ang kalagayan ng mga "kawawang bata" kung ang pamantayang paiiralin ay hahaluan ng pag-kakategorya at pagdidiskrimina. Wag na nating gawing komplekado mga bagay sa mundo dadami lamang wringkles mo sa noo. Para sakin, ang tunay na sukatan ng talino ay ang kagustuhang ng batang matuto dahil alam niya sa kanyang sarili na sa isang banda ng kanyang buhay kakailanganin niya ito. Eh ano kung mahina talaga ang kanyang ulo, basta alam niya sa kanyang sarili ang totoo, marunong magpakumbaba at makipag-kapwa tao at higit sa lahat ang kagustuhang matuto, yan para sakin katangian ng taong magaling at matalino. Aanhin mo ang taong magaling talaga at matalino kung "HAMBOG" naman ito at di marunong makipag kapwa tao, tiyak lamang na masasayang, biyayang di lubos ang pakinabang, at laking panghihinayang ng diyos na pinagmulan ng talinong ating pinaguusapan. Kung matalinong matatawag mga taong hambog sa kanilang natamong regalo, mas gugustuhin ko pang maging mang-mang basta’t may busilak na puso. Bilang pangwakas na turan isang payo ang aking iiwanan sa pagleleybel ng tao tayo sana’y magdahandahan, tulad nga ng sabi sa kasabihan "walang ginawa ang diyos na bobo" tanging tao lang naglelebel nito, anu’t-ano pa man mga bagay kong tinuran ito’y opinion ko lamang, aking hiling ito inyo sana’y igalang. Basta sa aking mata isang katotohanan lamang ang nakikita "lahat tayo may kanya-kanyang talino’t talento kailangan lang matuklasan at ating paunlarin ito!"
1 comments:
marunong magpakumbaba at makipag-kapwa tao at higit sa lahat ang kagustuhang matuto
Playgroup Singapore
Post a Comment