parami na ng parami sa mga batchmates ko ang mga nagsisipagasawa na, yung ibang sinuswerte nagkaka anak lang pero walang asawa. kungbaga sa linguahe ni pareng joey de leon eh naano lang.
iniisa-isa na kami ng tadhana at hindi makahabol ang isipan ko sa bilis ng mga pangyayari parang kelan lang kasi eh tinutuhog pa namin sa daliri ang pritos ring bago kainin pero ngayon, iba na ang sitwasyon. ang dating mga inosenteng paslit na nagtatakip pa ng mata pag may nakikitang naghahalikan sa tv, ngayon marami nang alam at napagdaanan.
matatanda nanga siguro kami, isa itong masakit na katotohanan, mahirap tangapin kaya minsan pinagtatakpan nalang ang tunay na edad sa pamamagitan ng pakikinig sa mga kanta ni miley cyrus, jonas brothers, at marie digby. kahit na sa katotohanan eh sumayaw ka sa mga kanta ng AQUA at elementary kana nung sumikat ang mga kanta ng M2M at backstreet boys.
anot-anu paman ay wala na tayong magagawa pa, ang buhay ng tao ay isang walang katapusang ikot ng "alaga at pagaalaga" kung dati tayo ang inaalagaan darating ang panahon sa ating henerasyon naman mapapasa ang mabigat na responsibilidad ng pagpapatnubay at pagaaruga. sigurado ako sa panahong iyon kulubot na ang mukha ni aaron carter at kakailanganin mo nang uminom ng arthricin.
- belo lumadilla '87 baby
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
iniisa-isa na kami ng tadhana at hindi makahabol ang isipan ko sa bilis ng mga pangyayari parang kelan lang kasi eh tinutuhog pa namin sa daliri ang pritos ring bago kainin pero ngayon
Playgroup Singapore
Post a Comment