parami na ng parami sa mga batchmates ko ang mga nagsisipagasawa na, yung ibang sinuswerte nagkaka anak lang pero walang asawa. kungbaga sa linguahe ni pareng joey de leon eh naano lang.
iniisa-isa na kami ng tadhana at hindi makahabol ang isipan ko sa bilis ng mga pangyayari parang kelan lang kasi eh tinutuhog pa namin sa daliri ang pritos ring bago kainin pero ngayon, iba na ang sitwasyon. ang dating mga inosenteng paslit na nagtatakip pa ng mata pag may nakikitang naghahalikan sa tv, ngayon marami nang alam at napagdaanan.
matatanda nanga siguro kami, isa itong masakit na katotohanan, mahirap tangapin kaya minsan pinagtatakpan nalang ang tunay na edad sa pamamagitan ng pakikinig sa mga kanta ni miley cyrus, jonas brothers, at marie digby. kahit na sa katotohanan eh sumayaw ka sa mga kanta ng AQUA at elementary kana nung sumikat ang mga kanta ng M2M at backstreet boys.
anot-anu paman ay wala na tayong magagawa pa, ang buhay ng tao ay isang walang katapusang ikot ng "alaga at pagaalaga" kung dati tayo ang inaalagaan darating ang panahon sa ating henerasyon naman mapapasa ang mabigat na responsibilidad ng pagpapatnubay at pagaaruga. sigurado ako sa panahong iyon kulubot na ang mukha ni aaron carter at kakailanganin mo nang uminom ng arthricin.
- belo lumadilla '87 baby
Im weak in remembering peoples names. Ewan ko kung ano ang dahilan, but trust me im not doing it on purpose. Sakit ko na ata talaga eto dati pa at lalo lang pinalalala ng palagiang paginom ng alak. Hindi ko alam kung paano at bakit ako naging ganito parang naging requirement na kasi ng utak ko na makasama ko muna ang tao ng mahigit sa isang sem bago ko matandaan ang pangalan niya.
Kaya tuloy madalas mangyari sa akin ang mga eksenang tulad nito...
Ang sarap ng tambay ko sa mga gilid ng san-sebastian, payosi-yosi at ine-enjoy ang aking 28 pesos worth na mister donut coffee nang biglang mapansin ko ang isang lalakeng tumango at ngumiti sa akin sa may di kalayuan. His face looks familiar and yet the only fucking thing i remember about him is that were seatmates in Admin. Law. Then when he was about to approach me, i felt slight tinge of instinct and from that instance i knew, time is of the essence, at any moment he will initiate a conversation with me and it will be impolite on my part not to remember the name of someone to whom i’ved already been acquiantanced with. But before i knew it its already too late, he was in front of me and said “o pareng belo kumusta kana?”, i carefully replied “ok naman pre” then he said “anung klase mo ngayon? Hindi mo na ako naaalala noh, ako yung kaseat mate mo sa Admin. Law” ; i felt that my memory was slightly insulted so i confidently replied “sus, ikaw pa malilimutan ko di ba ikaw si....” *paused for a while, thinking...*
.....
Wait i know this guy...
Nasa dulo na ng dila ko...
Tangina...
*snapping my fingers*
Wait...
.....
.....
Who the fuck are you?
---------------------
I blew it. Lesson learned? Use fillers like: tsong, dude, pare ; para hindi masyadong halata na hindi mo naalala yung pangalan niya. And kung walang wala na talaga just be plain honest at sabihing nakalimutan mo yung pangalan nila.
Minsan habang ka-text ko ang isang dating ka-klase/friend, di inaasahang lumabas ang konbersasyong ganito:
ako: alm m 1st mpresion q sau suplada k…*may smiley dito*
siya: bkt nmn?
ako: ksi pnsin q lgi lng u thimik s sng tabi, tpos d kpa msyado nkkihalubilo…*may smiley ulet*
siya: ah un lang ba?, i chus my friends kasi eh….*nag-smiley din siya*
ITUTULOY…..
"i chus my friends kasi eh" - such selfish claim, matagal natong burado sa inbox ko, pero ito’y nakasave pa rin sa memory card ng utak ko. (sayo best na nakatext ko ukol sa issue nato, thanks for the enlightenment ikaw ang naging inspirasyon ko sa lecture ko ngaun. salamat ulet dahil kung di dahil sa iyo hindi ko masusulat ang blog na ito, peace tau ha!…luv you….)
hindi bat ganito ang pilosopiyang pinapairal natin? pamimili ng kaibigan, gamitan, plastikan etc.
sa paglipas ng panahon, ang pakikihalubilo sa ibang tao ay lalong napapadali dahil sa pagusbong ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya, nandyan ang text, internet, pager para sa mga doktor, at snail mail para sa mga preso. habang dumadali ang proseso ng pakikihalubilo sa iba lalong nagiging mas kaswal ang mga tao pagdating sa pakikipag kaibigan. at minsan sa sobrang pagiging kaswal nito ay tanguan nalang at kindatan ang nangyayari pagnagkikita ang dalawang magkakilala, naisip ko tuloy dahil ba sa dali ng pakikihalubilo natin sa iba ay nababalewala na natin ang ibang tao sa paligid natin? isipin mo din.
Ikaw mambabasa ano ba ang tunay na kaibigan para sa iyo? kaibigan ba pag laging nandyan siya para saiyo? o kaya naman eh laging kadamay mo pag-nagaaway kayo ng magulang mo?, kaibigan ba siya kung lagi ka nyang pinapakopya o di kayay pinapautang ng pera? o lagi kang tinitext ng mga papuri at pambobola? - hindi lahat ng mukang mabait sa aten ay ating kaibigan at hindi rin lahat ng mukang masungit o hindi malapit sa atin ay kaaway, may dahilan ang lahat ng pangyayari at iba-ibat ang pinagdadaan ng tao, sa tulong ng malawak na pangunawa, malay mo ang kaaway na itinuturing mo ay siya palang mapapagkatiwalaan mo ng buhay mo.
ngayon ay panahon na ng "globalisasyon" kung saan binubksan ng ibat-ibang bansa ang kanilang mga territoryo upang makipag-kalakalan, paunlarin ang turismo, at higit sa lahat ipakilala ang sarili sa mundo. parang ganyan din ang pilosopiya ng pakikipag kaibigan binubuksan natin ang ating sarili para sa iba. isang pansamantalang pagaalis sa sariling "comfort zone" para ma-experience ang "comfort zone" ng iba. Sa ganitong paraan lumalago tayo bilang tao at natututo sa mga bagay sa mundo, minsan nadadapa pero may determinasyong bumangon uli, sa tulong iba, sa tulong ng kaibigan.
minsan kasi, aminin man natin o hindi nagiging madamot tayo. tulad nga ng sinabi ko sa isa kong blog “ang anong meron sa ngiti?” (requisite itong basahin) "lahat tayo ay magagandang tao, madalas lang natin tinitake for granted ito". pag namili tayo ng kaibigan parang nagdadamot narin tayo, pinagdadamot natin sa iba ang kagandahan ng ating pagkatao. pinipili ang pagbibigyan, iilan lang ang maswerte at marami ang minamalas na hindi maabutan. hindi kaya mas okey pag lahat ng tao kaibigan mo? bawasan ang kadamutan at makipagkapwa tao.
wag ipagkait ang kagandahan ng iyong pagkatao, ipamahagi ito sa buong mundo, mas masaya siguro pag magkakaibigan tayo.
CONTINUATION:
ako: bakit ganun? u chus ur frends?
siya: kc fling q ma-oop lang aq sknila eh…
ako: alm mo akla mo lng un…
ako: syang knwng pnmn u, mgnda k inside and out…syang lang kng di iyon malalaman ng iba….*wala nang smiley, pero tiyak ko siya ay naka-smile*
Masarap ang buhay estudyante. alam kong alam mo yan! Regular na baon, kickbacks sa libro, enrollment, p.e uniform, i.d, projects *kuno*, field trips at hand outs. ang buhay at saya sa loob ng klassrum na sa opinion ko ay ang highlight ng pagiging estudyante at hindi rin kayang bilhin ng kickback na nasa bulsa mo ngaun. Iba rin naman ang saya sa labas ng klase mga biglaang gimik, inuman, yosi breaks, tambay, bilyar, paglalaro ng pc games, at out of town trips kung saan lumalabas ang tunay na anyo ng ating mga ka-klase na madalang mo lang makita sa loob ng paaralan. Mga prof. Na nauubos ang oras sa subject nila sa pagkwekwento tunkol sa = aswang, mumu, enkanto, whitelady, mga dating estudyante, mabahong parte ng katawan ng isang co-faculty, history ng school, probinsiya niya, alagang manok at bibe etc. - nagagawa nila lahat ng iyan kahit na hindi naman HISstory ang subject na itinuturo nila. dagdag mo pa diyan ang thrill ng pangongopya at pangongodigo, pag-sakit ng ulo dahil sa pagcracraming. lahat ng yan alam kong naranasan mo, lalo na ung number two.
Sa tinagal-tagal ko nang nagaaral *pero di ibig sabihin niyan na repeater ako!* nagawa ko na siguro halos lahat ng kalokohang ginagawa sa ekwelahan wag ka nang mag malinis parehas lang tau, ika nga sa kasabihan “in highschool nothing is sacred”. eto ang ilan sa criminal records ko at guilty ang plea ko: pag-iingay sa loob ng klase, pakikipag-away sa kaklase, pagvavandal sa upuan, makipag-batuhan sa kabilang section *di naman ako yung promotor nito nakisali lang ako kasi masaya *natuto tuloy lumipad ang mga bagay na walang pak-pak tulad ng iced tubig, mga makakapal na libro, walis, bunot, basahan at ang dalawang sekret weapon namin: ang black board eraser na punong-puno ng chalk dust at ang malaking takip ng green na basurahan nag mistulang israel at lebanon ang klasrum namin. Madumi, makalat at magulo….pero ok lang masaya ang lahat at walang pikunan.
Nadyan naring nangyari na mapikon sa akin yung titser ko sa PEHM nung 1st yr. Highschool nang asarin ko siya dahil pabisaya niyang nasabing: “oki klas maglaru tau ng sipak-takraw!”…eh sepak takraw ang tamang pagbigkas…muntik na niya akong sapakin….at medyo natakot din ako…pero dahil sa christian school ang napasukan ko, inawat naman siya ni lord!….nandyan ding makapag paiyak ako *with the help of my allies* ng titser sa PEHM uli not once but twice! Una si ma’am aplacador at sumunod yung baklang humalili sa kanya ng magresign siya third year naman ako nito….ewan ko ba kung bakit badshot ako sa mga PEHM titsers, siguro dahil sa hindi ako physically fit para sa subject nila.
Matagal ko nang gusto ulet sumulat ng blog pero ngayon lang ulet ako nagbigyan ng pagkakataon. maraming idea ang pumapasok sa isipan ko palibhasa 11:10 na ng gabi - tahimik, tulog na ang lahat ng tao samahan pa ng ambiance ng cding pangkikay na incredible hulk ang pabalat…pero hindi busog lang siguro ako kaya ako sinipag magkwento.
Ano bang meron sa ngiti? sumagi naba ito sa isipan mo? minsan ko na tong natanong sa sarili habang brina-browse ko ang friends list ng friendster account ko.
Bukod sa maiitim na gilagid at madidilaw na ngipin, ano nga ba ang meron sa ngiti…*track 4 na tamang-tama ang background music "yellow" ng coldplay lalo tuloy akong ginanahan magsulat* ano nga ba meron? napaisip ako habang kinakalkal ko ang mga profile ng mga dating kakilala at mga bagong kaibigan…marami akong nakita…mga bagay…mga pagbabago…at ang kagandahan nilang na madalas natetake for granted ko.
Sino-sino ba tong mga tinutukoy ko? leading the pack are my classmates from various schools, mga kaibigan ko at dating kalaro, acquaintances, mga pinsan, at mga prof *ung huli pala nilagay ko lang para sumipsip*
Wala namang masyadong ispesyal sa pagsulat ko ng blog na ito. gusto ko lang maisulat kung gaano kayong lahat kagagandang tao sa panloob *heart, pancreas, liver, small intestine* at panlabas na aspeto, pero seriously lahat ng tao magaganda’t gwapo madalas lang nating tinitake for granted ito, maaaring hindi mo ito nakikita pero ako kitang-kita ko.
Una sa listahan tong dating kaklase ko nasakanya na lahat kagandahan, katalinuhan at busilak na kalooban, kaso malas sa love life at laging naloloko, kung nakikita lang sana ng bf mo ang kagandahan mo ang laki ng swerte niya parang tumama sa lotto. Meron din akong kaklase ngayon sa USTe suplada siya ung tipong tumitira ng laser ang mata at bumubuga ng apoy mabanggit mo lang pangalan niya, kaya siguro marami ang naiilang lumapit sa kanya pero kung titingnan mong mabuti maganda siya at facade lang pala niya ang pagiging dragona pero ang totoo mahiyain lang talaga siya. Eto pa isa di naman siya ganon kaganda, sa totoo lang pag hinalo mo siya sa crowd of three di mo na siya mapupuna. pero pag ngumiti na siya at lumabas na ang dalawang balon sa mukha niya naku po! talo-talo na. Meron ulet akong kaklase lagi siyang pinagtritripan, pinagtatawanan, nilalait. di naman siya panget in fact maganda siya at hindi lang nila nakikita, medyo chubby nga lang siya, honestly naawa ako sa kanya malapit ang loob ko sa kanya in fact she’s like a BIG sister to me *also in body mass* likas na passive lang talaga siya at mahaba ang pasensiya. gusto mo clue?…hanapin mo nalang sa friends list ko!
minsan kasi nauuna nating makita ang mali bago ang tama, ang dumi bago ang malinis, ang panget bago ang maganda sa isang tao. hinuhusgahan kaagad natin base sa panlabas na anyo, ang optimistic ng tunog ko noh? side effect lang siguro yan ng movies na kakapanood ko lang (saw 1-2 at american beauty)
"di ko rin kayo masisisi, dahil dati ganyan din ako… at paminsan-minsan ganun parin….kelagan ko pang mabulag ng madidilaw na ngiti bago makita ang kagandang nakakumbli"
you cannot really underestimate a smile because it can change your image mula sa higanteng lobster na ginugulpe ni ultraman at natutumba sa kable ng napocor to a geisha just like Zhang Ziyi kaya payong kaibigan lang always SMILE, gaganda na image mo makakapagbago ka pa ng perspective ng isang tao tulad ko.
Ang utak ko’y naguguluhan sa tunay na sukatan ng talino, ano ba talaga ang basehan? Basta utak ang usapan tatlong kategorya lang yan: Matalino, May alam, at Mang-mang. Sa panung paraan ba nalalaman ang bagay na wala naman talagang malinaw na sukatan. Sa eskwelahan eto ang mga paraan upang talino ng bata ay masukat daw at malaman, sa examin ; sa recitation ; proyekto ; at regalo sa guro. yan ang mga panukat na gamit ng paaralan sa panahong matagal na. Mga mabababaw na bagay na di naman pwedeng gawing basehan, di dapat ganyan ang panukat na gamit ng mahal kong paaralan. Dahil personalidad na ng tao ang nababangit dito di masusukat basta-basta ng papel na diploma o kahit na ng medalyang ginto. Sa ganyang usapan ay naku! po! delikado, ang usapang talino pala ay napaka sensitibo, pwede nitong masira o mabuo kinabukasan ng bata at kagustuhang matuto. Imbis na makatulong lalong lumubha ang kalagayan ng mga "kawawang bata" kung ang pamantayang paiiralin ay hahaluan ng pag-kakategorya at pagdidiskrimina. Wag na nating gawing komplekado mga bagay sa mundo dadami lamang wringkles mo sa noo. Para sakin, ang tunay na sukatan ng talino ay ang kagustuhang ng batang matuto dahil alam niya sa kanyang sarili na sa isang banda ng kanyang buhay kakailanganin niya ito. Eh ano kung mahina talaga ang kanyang ulo, basta alam niya sa kanyang sarili ang totoo, marunong magpakumbaba at makipag-kapwa tao at higit sa lahat ang kagustuhang matuto, yan para sakin katangian ng taong magaling at matalino. Aanhin mo ang taong magaling talaga at matalino kung "HAMBOG" naman ito at di marunong makipag kapwa tao, tiyak lamang na masasayang, biyayang di lubos ang pakinabang, at laking panghihinayang ng diyos na pinagmulan ng talinong ating pinaguusapan. Kung matalinong matatawag mga taong hambog sa kanilang natamong regalo, mas gugustuhin ko pang maging mang-mang basta’t may busilak na puso. Bilang pangwakas na turan isang payo ang aking iiwanan sa pagleleybel ng tao tayo sana’y magdahandahan, tulad nga ng sabi sa kasabihan "walang ginawa ang diyos na bobo" tanging tao lang naglelebel nito, anu’t-ano pa man mga bagay kong tinuran ito’y opinion ko lamang, aking hiling ito inyo sana’y igalang. Basta sa aking mata isang katotohanan lamang ang nakikita "lahat tayo may kanya-kanyang talino’t talento kailangan lang matuklasan at ating paunlarin ito!"